Batang may Sakit sa Puso, Ipinagamot ng MAC

Batang may Sakit sa Puso, Matagumpay na Ipinagamot ng MAC

 

Isang batang Bayambangueño ang sinaklolohan ng Mayor’s Action Center (MAC) sa pagpapaopera ng kanyang puso.

Siya ay si Vince Villanueva ng Brgy. Sanlibo na may sakit na coronary heart disease, ventricular septal defect, at patent ductus arteriosus.

 

Ang bata ay matagumpay na naoperahan noong May 12, 2022 sa Philippine Heart Center dahil sa agarang pagresponde ng MAC sa ilalim ni Gng. Jocelyn Espejo, matapos dumulog ang magulang ng bata sa kanilang tanggapan.

Lubos ang naging pasasalamat ng bata at ng kaniyang buong pamilya sa natanggap na tulong. Kasalukuyan nang nagpapagaling at bumabawi ng lakas si Vince sa kanilang tahanan.

 

[smartslider3 slider=2210]