Dahil sa transparency policy ni Mayor Cezar Quiambao, ang lahat ng bumubuo ng Special Bids and Awards Committee para sa bidding ng “Improvement of San Gabriel II Farm-to-Market Road with Bridge” project ay pinarangalan ng Department of Agriculture matapos magkaroon ng pinakamaraming bilang ng bidders sa ilalim ng Philippine Rural Development Project. Matatandaang may 17 bidders na dumalo para makipagbidding sa pinakamalaking construction project sa kasaysayan ng LGU-Bayambang, kung saan ito ay nagkakahalaga ng P126.478M.
Congratulations Mayor Quiambao at sa lahat ng masisipag na miyembro ng Bids and Awards Committee.
[smartslider3 slider=2039]