Orientation on Required Co-op Reports

Naging panauhing tagapagsalita si Mayor Cezar Quiambao sa isang orientation on Reportorial Requirements for Cooperatives na inihatid ng Cooperative Development Authority Region 1 sa mga local co-op members noong March 9 sa Royal Mall, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Cooperative Development Office. Ito ay isa na namang pagkakataon upang mas matuto ang mga lokal na kooperatiba kung paano patakbuhin ang kanilang organisasyon at makinabang sa iba’t ibang benepisyo ng pagiging miyembro. Ang highlight ng training ay isang orientation at walk-through ukol sa Cooperative Annual Information System (CAIS), isang computerized system kung saan ang lahat ng reportorial requirements ay integrated.

[smartslider3 slider=2034]