PSSg De Leon, Muling Pinarangalan

Muling kinilala ang pagbibigay ng serbisyo ni PSSg Vina de Leon ng PNP-Bayambang, sa ginanap na pagpaparangal ng PNP Provincial Office at PNP Regional Office bilang parte ng pagdiriwang ng International Women’s Month 2022 ng ahensya. Si PSSg De Leon ay kabilang sa mga piling kababaihan na pinarangalan dahil sa kanilang kontribusyon upang maiangat ang lebel ng serbisyo publikong hatid ng mga kawani ng gobyerno, partikular na sa hanay ng pulisya. Matatandaang nafeature si PSSg De Leon sa Balitang Amianan at maging sa Mornings at GMA matapos magviral ang isang Facebook post ukol sa pagsagip niya, kasama ang iba pang opisyal ng PNP, sa isang babaeng naabutan nilang nanganganak sa loob ng isang traysikel.

[smartslider3 slider=2030]