Appraisal ng Sun Plaza Commercial Building
Ang Municipal Assessor’s Office, kasama ang Provincial Appraisal team, ay nagsagawa noong March 2, 2022 ng appraisal o pagtatasa ng Sun Plaza Commercial Building para sa koleksyon ng Real Property Tax nito.
Sa pamamagitan nito ay nasisiguro na ang mga may-ari ng mga properties gaya ng lupa at establisimyento ay nakasusunod sa pagbabayad ng amilyar na tugma sa kaukulang halaga na nakasaad sa batas.
Ang halaga na binabayaran ng isang tao para sa kanyang real property ay nakabatay sa value ng naturang ari-arian.
Patuloy ring hinihikayat ang lahat ng Bayambangueño at iba pang naninirahan sa Bayambang na magbayad ng tamang amilyar upang masiguro na maisusulong ang iba’t ibang proyekto at programa ng lokal na pamahalaan para sa ikauunlad ng bayan at sa benepisyo ng bawat Bayambangueño.