Fire Prevention Month 2022

Fire Prevention Month 2022

 

Ang apoy ay nagbibigay ng alab at liwanag, ngunit nagdudulot din ng peligro sa buhay at ari-arian. Dahil panahon na naman ng tag-init, muling nag-ingay ang mga bumbero ng Bureau of Fire Protection noong March 1 upang ipaalala ito sa ating mamamayan sa pamamagitan ng isang maikling programa at isang motorcade. Sa pag-alingawngaw ng mga fire truck ng BFP sa mga barangay, inaasahang magdodobleng ingat ang ating mga kababayan upang maiwasan ang sunog.

 

Ayon kay Acting Municipal Fire Marshall SFO4 Randy Fabro, ang tema sa taong 2022 ay, “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa,” kaya’t siya’y nananawagan sa lahat na makipagtulungan upang ang lahat ay patuloy na mailayo sa sakunang dulot ng di inaasahang sunog.

 

Kasama sa programa at motorcade ang POSO, MDRRMO, RHU, iba pang departamento ng LGU, mga local riders’ groups, at iba pang representante ng pribadong sektor.

 

[smartslider3 slider=2020]