CSOs, LGU, Kasangga sa ‘Operation Baklas’ ng COMELEC

CSOs, LGU, Kasangga sa ‘Operation Baklas’ ng COMELEC

 

Nagsama-sama ang mga civil society organizations (CSOs) sa Bayambang bilang pakikiisa sa Operation Baklas ng Commission on Elections (Comelec), na naglalayong isulong ang isang maayos, mapayapa, at patas na halalan.

 

Ayon sa Comelec Resolution 10488, bawal maglagay sa pampublikong lugar ng election posters sa labas ng itinakdang common poster areas at lampas sa itinakdang laki.

 

Kabilang sa mga tumulong ang Bayambang Municipal Association of NGOs, Extreme Riders’ Club of Bayambang, at Reaction 166 Animal Kingdom, kasama ang mga miyembro ng Barangay Peace Security and Order Federation, Municipal Engineering Office, Department of Public Works and Highways, at mga elemento ng PNP-Bayambang.

 

 

 

 

 

[smartslider3 slider=2016]