GMO Corn, Tinalakay sa 15th Meeting ng Corn FFS sa Ligue

Sa ika-15 na meeting para sa Corn Farmers’ Field School ng Department of Agriculture at Municipal Agriculture Office sa Brgy. Ligue, nagkaroon ng diskusyon ukol sa genetically modified corn na tinatawag na Bt-corn (Bacillus thuringiensis-corn) para sa pagtatanim, ang mga kabutihan nito at mga posibleng hindi mainam na epekto sa kapaligiran at sa mga consumer.

Noong February 22, nakatanggap ang dalawang Senior Citizens sa Bayambang ng Centenarian Gift mula sa Office of  the President sa tulong ng Department of Social Welfare and Development Field Office I at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Ito ay isang mandato na naka-angkla sa Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016, kung saan lahat ng Pilipino na umabot sa edad na 100 ay makakatanggap ng Centenarian Gift na nagkakahalaga ng P100,000.00. Ang mga benepisyaryo ay mula sa Barangay San Vincente at Zone II. Ayon naman sa MSWDO, may tatlong  benepisyaryong sasailalim sa  validation para makumpleto ang mga hinihinging dokumento.

[smartslider3 slider=2009]