Limang Alagang Baka, Nilapatan ng Lunas
Noong February 8, nagtungo ang team ni Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario sa mga barangay ng Dusoc, Carungay, at Tatarac upang bigyang lunas ang limang baka na may mga karamdaman, gaya ng walang gana sa pagkain, hindi umiihi o dumudumi, at hirap sa pagtayo, na nagsasanhi ng paglobo ng tiyan ng mga ito na maaari nilang ikamatay.
Nananawagan si Dr. Rosario sa mga nag-aalaga ng baka na kung ang kanilang mga alaga ay may mga ganitong sintomas ay agad na ipasuri ang mga ito upang agad na malapatan ng lunas at maiwasan ang malalang sakit.
Para sa mga magsasakang Bayambangangueño, ang mga baka ay may napakalaking papel sa kanilang trabaho sa bukid. Ito ang katuwang nila sa pag-aararo at maging sa transportasyon ng kanilang mga produkto mula sa bukid papuntang bahay o merkado. Kaya naman mahalaga rin na siguraduhing malakas at malusog ang mga ito, at isa ang maagap na pagkonsulta sa veterinarian sa mga paraan upang ito ay magampanan.
[smartslider3 slider=1995]