350 Buntis, Tumanggap ng Food Packs Mula NNC
Noong February 10 sa Events Center, muling namahagi ang Municipal Nutrition Action Office ng food packs mula sa National Nutrition Council para sa 350 na buntis na Bayambangueña bilang parte ng 90 Days Dietary Supplementation Program for Nutritionally At-Risk Pregnant Women at First 1000 Days Program ng pamahalaan. Ito ay upang makaiwas sa malnutrisyon ang mga buntis at sa pagkabansot ang mga sanggol sa kanilang sinapupunan. Ang mga benepisyaryo ay napili base sa pagiging nutritionally at-risk o pagkukulang sa nutrisyon, o pagiging at-risk dahil sa edad ng pagbubuntis.
[smartslider3 slider=1992]