Accounting and Bookkeeping Seminar-Workshop, Nilahukan ng mga Kooperatiba
Lumahok sa isang Accounting and Bookkeeping Seminar-Workshop ang mga miyembro ng iba’t ibang kooperatiba sa Bayambang mula February 8 hanggang 10 sa Balon Bayambang Events Center.
Ang naturang seminar ay inorganisa ng Municipal Cooperative Development Office (MCDO) upang mabigyang kaalaman ang mga kooperatiba sa tamang pagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Sa programa ay dumalo si Cooperative Development Authority (CDA) Region 1 Acting Regional Director, Alberto A. Sabarias. Nagpaabot din ng mensahe si Vice-Mayor Raul Sabangan sa pamamagitan ng kanyang representative at ganoon din si Mayor Cezar Quiambao na inirepresenta ni Bayambang Poverty Reduction Action Team Head, Dr. Rafael Saygo.
Naroon din si CDA-Dagupan Cooperative Development Officer, Sheryl Lou Fabia, na katuwang ng MCDO upang magabayan at masigurong lahat ng kooperatiba sa bayan ay nagiging matagumpay at hindi pang-umpisa lamang.
Tinalakay ng mga tagapagsalita na sina Acting Chief SES, Ms. Arlene Espinoza at CDS II-CSF, Ms. Fiona Bianca Cuenca, ang Elements of Financial Statement, Basic Accounting Equation, Debit and Credit, at iba pang paksa.
Mahalaga ang Bookkeeping at Accounting sa negosyo dahil sa pamamagitan nito ay namomonitor ang kalagayan ng isang negosyo, kung ito ba ay kumikita o hindi.
[smartslider3 slider=1990]