Mga Nasunugan sa Bacnono, Sinaklolohan
Dagliang nagbigay ng tulong ang LGU, kasama ang BFP, sa isang insidente ng sunog noong February 1 sa Purok 5, Brgy. Bacnono.
Ayon sa BFP, tatlong kabahayan ang nasunog, at iniimbestigahan pa ang naging sanhi nito. Ayon sa ulat ng MSWDO, limang pamilya ang naging apektado, at ito ay kinabibilangan ng 20 na katao. Walang naiulat na casualty at walang pamilya ang inilikas sa evacuation center, ngunit kaagad namigay ang MDRRMO ng 20 food packs. Namigay din ang MDRRMO ng first aid para sa minor injuries at saka quick relief assistance package kabilang ang bigas, groceries, hygiene kits, face masks, at sleeping materials.
[smartslider3 slider=1977]