Bochang Karne, Kumpiskado
Mahigit na 70 kilo ng bochang karne (double dead o hot meat) ang kinumpiska ng Municipal Slaughterhouse sa Meat Section ng Bayambang Public Market kaninang 3:49 ng madaling araw, sa pangunguna nina Dr. Joselito Rosario, Roberto Benitez, Ericson Soriano at Dindo Buraga, katuwang ang mga elemento mula sa PNP, SEE at POSO.
Matagumpay na naisagawa ang operasyon sa tulong ng impormasyong nakalap ng SEE staff. Dinala ang ang mga nakumpiskang karne sa Materials Recovery Facility (MRF) sa Barangay Dusoc para sa sistematiko at maaayos na disposal ng mga ito.
Ang double dead na karne ay di dumaan sa inspeksyon ng sanidad, kaya’t itinuturing itong ilehitimo at di ligtas para sa mga consumers.
[smartslider3 slider=1970]