Nagsimula na ang Municipal Agriculture Office sa pagsasagawa ng massive dredging ng mga inland fisheries sa barangay ng Macayocayo, Tanolong, Maigpa, Beleng, Balaybuaya, Langiran,Tococ East,Tococ West at Alingan noong January 25. Ito ay napakalaking tulong sa mga magsasaka at mangingisda upang magamit sa patubig ng kanilang mga sakahan at palaisdaan. Sa pamamagitan rin nito ay makakapagproduce na ang mga lokal na magsasaka ng mas maraming fresh water fishes gaya ng tilapia, hito, dalag at iba pa.
Ang programang ito ay isa sa mga pinakaprayoridad ng Municipal Agriculture Office na tinututukan ni Municipal Mayor Cezar T. Quiambao dahil sa maraming magsasaka ang matutulungan nito at maaari pang magbukas ng trabaho para sa maraming mamamayan lalo na kung maipopromote ang aqua tourism sa mga nasabing barangay.
[smartslider3 slider=1966]