Muling nagsagawa ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Community-Based Establishment of Women’s Organizations sa iba’t ibang barangay. Layunin ng aktibidad na magtatag ng organisasyong pangkababaihan sa bawat barangay sa Bayambang para sa taong 2022. Mula January 21 hanggang January 27, nakilahok ang 75 na kababaihan mula sa Barangay Warding, Sancagulis, at Apalen, kung saan sila ay tinuruan ng paggawa ng vision at mission at ukol sa iba pang paksa gaya ng self enhancement, gender sensitivity, at strengthening of husband and wife relationship.
[smartslider3 slider=1963]