Isang proyekto ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, Niña Cares Foundation, at Bayambang LGBTQI Association ang pormal na binuksan noong Enero 20. Ito ay ang Farm Fresh Eggs stall na matatagpuan sa Meat and Fish Section ng Bayambang Public Market. Ang kikitain sa stall na ito ay gagamitin ng asosasyon sa pagtulong sa mga myembro nito at sa pagsasakatuparan ng iba pang mga proyekto. Bukod pa rito, nakikipag-ugnayan din ang Bayambang LGBTQI Association sa Municipal Nutrition Action Office dahil ang kanilang produkto ay maidaragdag ng opisina sa mga ipinapamahagi sa mga malnourished na bata sa Bayambang upang sila ay maging malusog at masigla.
[smartslider3 slider=1952]