Farmers Field School for Corn, nasa Week 9 Na

Noong Nobyembre 11, ang Farmers Field School na inilunsad para sa corn farmers sa Brgy. Ligue ay nasa Week 9 na. Ito ay parte ng inilunsad ng Municipal Agriculture Office na isang pagsasanay na pinamagatang “Season-Long Farmers’ Field School on Corn Integrated Crop Management” sa nasabing barangays. Layunin ng naturang training na madagdagan ang kaalaman ng mga 30 na corn farmers sa lugar sa mga makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng mais, lalung-lalo na ang mga kursong Nutrient Management at Integrated Pest Management.

[smartslider3 slider=1942]