Isang public hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan ukol sa Legal Basis For Annual Investment Program Review ng 77 barangays para sa taong 2022 noong January 13 sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna nina SB Committee on Finance, Budget and Appropriations and Ways and Means Chairman Konsehal Amory Junio kasama si Konsehal Martin Terrado II, Municipal Planning and Development Officer Ma-lene Torio, MLGOO Royolita Rosario at ilang concerned department heads. Sa pandinig na ito ay tinalakay ang pagsasaayos ng AIP at upang paghandaan ang budget para sa mga proyekto sa kani-kanilang barangay para sa taong 2022. Kasunod nito ay ang naging pagdinig ukol sa panukalang ‘’An Ordinance Providing Penalty for the Falsification, Mutilation Alteration, Tampering, Unauthorized Reproduction and other Fraudulent Acts in Relation to the COVID-19 Vaccination in the Municipality of Bayambang.” Ang ordinansang ito ang magbabalangkas ng polisiya ukol sa tamang paggamit ng vaccination card at magbibigay ng parusa para sa mga pamemeke at iba pang uri ng paglabag. Ang naturang pagdinig ay pinangunahan ng mga miyembro ng SB Committee on Health na sina Councilor Amory Junio at Councilor Philip Dumalanta.
[smartslider3 slider=1937]