LGU Heads, Sumabak sa Refresher ukol sa Performance Management

Lumahok ang 57 na opisyales at representante ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa isang refresher on individual performance management na pinangunahan ni ICT Officer Ricky Bulalakaw noong January 10 sa Balon Bayambang Events Center upang mas mapaghusay pa ang mga serbisyong ibinibigay ng buong pwersa ng munisipyo sa mga Bayambangueño. Nakatutok ang aktibidad na ito sa individual performance planning, evaluation, at development planning alinsunod sa CSC Memorandum Circular No. 6, series of 2012, o “Guidelines in the Establishment and Implementation of Agency Strategic Performance Management System (SPMS)”, na siyang magiging daan upang mas mapagtibay ang accountability ng mga empleyado ng munisipyo at sustainability sa kanilang pabibigay ng total quality service.

[smartslider3 slider=1929]