Quick response kits, tinanggap ng MAO

Noong Oktubre 1, tinanggap ng Municipal Agriculture Office ang quick response kits na ipinamahagi ng Provincial Veterinary Office sa ilalim ng livestock banner nito. Ang mga quick response kits ay gagamitin ng mga opisyal ng barangay sa pag-kolekta ng blood sample ng mga baboy na namatay sa hindi maipaliwanag na paraan. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga alagang baboy at ng mga kumukonsumo nito.