Alinsunod sa Agricultural Modernization na sektor ng Bayambang Poverty Reduction Plan ay binisita ng Technical Working Group ang inland fisheries noong Setyembre 29, 2021 upang magsagawa ng inspeksyon at survey kung saan maaaring mag-dredge para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga tributary, creeks at inland fisheries sa bayan. Sa pamamagitan nito ay mabubuhay muli ang mga palaisdaan sa iba’t ibang barangay sa Bayambang at lalong mapapalakas ang sektor ng agrikultura.
Ang agri-aquaculture ang isa sa tinututukang sektor ng Lokal na Pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cezar T. Quiambao, upang masiguro na lalong nadaragdagan ang kita at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisdang Bayambangueño.
[smartslider3 slider=1775]