Bumisita sa Bayambang ang Department of Tourism – Region 1 at ang Pangasinan Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) noong June 8 upang i-assess ang idustriya ng turismo sa bayan. Ang kanilang grupo ay binati nina Mayor Cezar Quiambao at Supervising Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo kung saan ipinresenta niya ang mga plano ng Lokal na Pamahalaan sa inaasahang pagbisita ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat at Regional Director Jeff Ortega. Matapos ang presentasyon ay sinamahan naman ng MTCAO ang mga bisita sa mga tourism sites ng Bayambang.
[smartslider3 slider=1746]