Mga Kawani ng LGU-Bayambang, Lumahok sa Devolution Transition Plan Workshop

Dumalo ang mga LGU department at unit heads, at ang kanilang mga representante, sa Devolution Transition Plan workshop na ginanap noong ika-31 ng Agosto sa Royal Mall. Sa naturang workshop ay nag-prepara ang bawat opisina ng LGU Devolution Transition Plan bilang parte ng pagsunod sa bagong Mandanas Ruling ng pambansang pamahalaan na naglalayong palawigin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan upang mas mapalawak ang pagbibigay ng serbisyong publiko sa kanilang mga nasasakupan.

[smartslider3 slider=1738]