Noong April 14 naman, tuluyang nag-roving ang MDRRMO team sa kahabaan ng Agno River upang mamonitor ang aktibidad ng mga residente sa tabing-ilog. Matapos baybayin ng team ang kahabaan ng Agno na sakop ng iba’t ibang barangay, sila ay nagsakay ng mga kabataang namataang naliligo sa kalagitnaan ng ilog. Hinihimok ng MDRRMO ang mga residente na iwasan ang paglalangoy sa Agno River, lalo na sa malalalim na parte, ngayong panahon ng tag-araw at pandemya upang makaiwas sa posibleng sakuna at sa kumpulan.
[smartslider3 slider=1525]