Patuloy pa rin ang pagrerenew ng Mayor’s Permit at prangkisa ng mga TODA operators. Sa ngayon ay mayroong 129 na nagrenew ng prangkisa at mayroon namang 463 na nagrenew ng Mayor’s Permit. Hinihikayat ng MTO ang lahat ng mga operator na kumuha o magrenew ng mga kaukulang permit para maiwasan ang anumang problema pagdating sa kanilang prangkisa.