Pre-Registration para sa National ID, Nag-Umpisa Na

Sa tulong ng Local Civil Registry Office, inumpisahan na ng Philippine Statistics Authority ang pre-registration para sa national ID sa bayan ng Bayambang. Bukod sa pre-registration activities sa mga barangay, nagpaunlak din ang PSA ng special pre-registration para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan, matapos makiusap si Mayor Cezar Quiambao. Layunin ng pagkakaroon ng national ID na mas mapabilis ang pag-access ng bawat Pilipino sa mga mahahalagang transaksyon ng gobyerno. Ang pagkuha ng ID na ito ay libre para sa lahat.

[smartslider3 slider=1415]