Onion farmers, dumalo sa forum ukol sa harabas

Isang scientific forum para sa mga magsasaka na labis na naapektukan ng pananalasa ng pesteng harabas ang inorganisa ng Municipal Agriculture Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office noong February 9. Sa nasabing forum, tinuruan ng mga eksperto mula sa Regional Crop Pest Management Center ang mga onion farmers ng mga bagong kaalaman upang makaiwas sa mapaminsalang peste na sanhi ng kanilang pagkalugi. Ang mga magsasaka ay sinamahan nina Mayor Cezar Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan, mga Punong Barangay, at iba pang mga opisyal.

[smartslider3 slider=1410]