Sa bisa ng Resolution No. 53, series of 2021, idineklara ng lokal na pamahalaan noong Pebrero 3 ang state of calamity sa 66 rural barangays ng Bayambang dahil sa pananalasa ng pesteng armyworm. Ayon sa resolusyon, 1,478.247 ektarya na ng taniman ng sibuyas ang nasira ng peste, na nakaapekto sa hanapbuhay ng 1,484 na magsasaka. Ang deklarasyong ito ay nangangahulugang maaari nang gamitin ng pamahalaang bayan at barangay ang kanilang calamity fund para mabigyang solusyon ang problema sa harabas.