Mga lokal na magsasaka, dumalo sa IPM Onion Production Training

Sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Agriculture Office ay nag-isponsor ang East West Seeds ng isang Integrated Pest Management Training on Onion Production sa Manambong Sur Evacuation Center. Layunin nito na madagdagan pa ang kaalaman ng mga lokal na magsasaka ukol sa GAP-certified onion production at matulungan silang maging ganap na GAP onion farmers nang sa gayon ay maging mas mabenta ang kanilang mga produkto sa merkado.