Bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bayan, muling naghigpit ang PNP at POSO sa mga border checkpoints ng Bayambang, lalo na sa Brgy. Tampog. Ang lahat ng dumaraan ay hinaharang upang makita kung kumpleto ang kanilang mga kaukulang dokumento katulad ng medical certificate at Travel Authority. Ang mga kulang ang dokumento ay pinapabalik sa kanilang pinanggalingan o dinadala sa Pugo Quarantine Facility kung saan sila ay sumasailalim sa 14-day quarantine.
[smartslider3 slider=1402]