Ilang kaso ng Category 3 animal bites sa mga bata ang ini-report ng RHU I Animal Bite Center nitong nakaraang linggo. Binigyan na ng passive at active vaccination ang mga kabataan ngunit kailangan pa rin ng mas pinaigting na aksyon upang hindi na pagdaanan ng iba pang bata ang trauma na dala ng animal bites.
Paalala ni Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, “Be a responsible pet owner” at huwag basta-bastang hayaan ang mga bata na makipaglaro sa mga hayop.