Sa pangunguna ni Mayor Cezar T. Quiambao ay nagpulong ang Local School Board noong January 12 upang pag-aralan at pagkasunduan ang pag-realign ng Special Education Fund sa taong 2021 bilang paghahanda sa pagbili ng vaccine kontra COVID-19. Sa naturang pagpupulong, anim na milyong piso (P6M) sa budget ng edukasyon ang natipid dahil napagkasunduang ipinagpaliban muna ang pamimigay ng school supplies sa mga estudyante ngayong taon.
Pinaghahandaan na ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang mass vaccination program kung saan makakatanggap ng libreng bakuna ang mga Bayambangueño.
[smartslider3 slider=1366]