Disiplina, Pinaalala sa Oplan Sita

Noong January 11, nagsanib puwersa ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kasama ng LGU upang sitahin ang mga lumalabag sa direktiba ni Presidente Rodrigo Duterte na istriktong ipatupad ang kanyang road-clearing policy sa lahat ng national roads.

Alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2020-145, ang operasyong ginanap sa lahat ng national roads ng Bayambang ay pinangunahan ni MLGOO Royolita Rosario, kasama ang PNP, BFP, POSO, Engineering Office, barangay officials, at CSO partners.

Kanilang inabisuhan ang mga umuukopa sa shoulder lane na magkakaroon ng road clearing operation ang DPWH kapag hindi binaklas ang kanilang mga nakahambalang na istraktura.

Layunin ng road-clearing policy ng gobyerno na siguraduhing ang daan ay para lamang sa motorista at ang shoulder lane ay para sa mga pedestrian, upang umiral ang kaayusan at para na rin sa kaligtasan ng lahat.

[smartslider3 slider=1360]