Iniulat ni Bayambang PNP Chief PLtCol. Norman Florentino na, sa pagsalubong sa Bagong Taon, nagtala ang bayan ng Bayambang ng zero casualties mula sa paputok at zero casualties sa stray bullet. Ito, aniya, ay ayon sa datos na nakalap mula sa Bayambang District Hospital at Sto. Niño Hospital. Wala ring naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa araw na iyon, ayon naman kay Dra. Paz Vallo.
Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan sa ipinakitang disiplina at pakikiisa ng lahat.
[smartslider3 slider=1350]