Noong December 30 sa may Rizal Monument, nagdaos ang LGU ng komemorasyon ng Araw ni Rizal sa pangunguna ni Mayor Quiambao at ng mga Sangguniang Bayan members. Dito ay sinariwa ang kadakilaan ng ating pambansang bayani, partikular na ang kontribusyon nito sa pulitika at panitikan. Sa okasyong ito ay hinimok ni Mayor Quiambao ang lahat ng Bayambangueño na tularan ang mga nagawang kabutihan ni Rizal: ang pag-aalay ng sarili para sa ikauunlad ng bayan.
[smartslider3 slider=1346]