Sa araw ng Pasko ay naghatid ng tuwa at saya ang iba’t-ibang NGOs ng Bayambang, katuwang ang LGU, sa mga batang may kapansanan na nakatira sa iba’t-ibang barangay. Kabilang sa mga naglibot ang Bayambang Municipal Association of Non-Governmental Organizations, Reaction 166-Animal Kingdom Base Radio Communication Group, Xtreme Riders Club Pangasinan, at Bayambang Bayanihan Lions Club International. Kasama rin sina Vice-Mayor Raul Sabangan at Councilor Philip Dumalanta.
[smartslider3 slider=1344]