Thank You, Cong. Arenas, for TUPAD Program!

Maagang tinaggap ng mga lokal na benepisyaryo ang kanilang sweldo sa ilalim ng TUPAD program ng DOLE o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers. Ginanap ang turnover ceremony noong December 21 sa Events Center at Brgy. Dusoc. Ang programa ay pinangunahan ng Municipal Administrator, PESO-Bayambang, at DOLE-Central Pangasinan. Bawat isa sa mahigit na 500 na benepisyaryo ay tumanggap ng P5,500, salamat sa pagdala ng programang ito sa Bayambang ni Congresswoman Rose Marie Arenas.

[smartslider3 slider=1339]