Pamaskong Handog sa 77 Barangays

Noong kalagitnaan ng Disyembre, nilibot ng Team Quiambao-Sabangan ang 77 na barangay ng Bayambang upang maghatid ng munting pamaskong handog. Ang regalong bigas, face shield, face mask, at kalendaryo ay galing sa Kasama Kita sa Barangay Foundation at pamilya ni Mayor Quiambao. Hatid din ng team ang mensahe ng pag-asa at ang naisin na masaya pa rin nating sasalubungin ang darating na Pasko at Bagong Taon sa kabila ng pandemya.

[smartslider3 slider=1337]