Sa tulong ng Bayambang Municipal Police Station at iba’t-ibang departamento ng LGU, nagsagawa ang Regional Civil Security Unit 1 ng PNP ng License to Own and Possess Firearm & Firearm Registration Caravan sa Events Center noong December 17-18. Malaking tulong ito sa mga lokal na gunowners dahil hindi na nila kailangang magtungo pa sa Camp PBGen. Rafael T. Crame, Quezon City, para sa aplikasyon at renewal ng naturang lisensya.
[smartslider3 slider=1325]