P1.5M cash ang ipinamahagi sa mga lokal na magsasakang naapektuhan ng Bagyong Ulysses salamat sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD at sa ayuda ni Sen. Imee Marcos sa LGU-Bayambang.
Base sa listahang isinumite ng mga barangay na inassess ng Municipal Agriculture Office, may 322 na magsasaka ang nakatanggap ng P4,500 cash noong December 16-17 sa Events Center. Ang natirang P51,000 ay inilaan naman na medical assistance para sa 17 katao, na nakatanggap ng P3,000 cash kada isa mula rito.
[smartslider3 slider=1323]