Public Hearing on Proposed Tax Amnesty

Narinig ng Sangguniang Bayan ang hinaing ng mga maliliit na business owners sa panahon ng pandemya, kaya naman sila ay nag-organisa ng isang Public Hearing noong December 5 sa Events Center ukol sa proposed ordinance na pinamagatang‘’Granting Tax Amnesty or Relief on Delinquent Real Property and Business Taxes as of December 31, 2020 and Prior Years.’’

 

Pinangunahan ang naturang pagdinig ng Chairman ng Committee on Rules, Laws and Ordinances at Chairman ng Committee on Market Trade and Industry na sina Councilor Amory Junio at Councilor Levinson Nessus Uy, kasama ang iba pang mga councilors.

 

Ang public hearing ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho, at ito ay dinaluhan ng mga lokal na business owners.

 

[smartslider3 slider=1317]