RT-PCR Testing

Bilang parte ng pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang upang hindi na dumami ang kaso ng COVID-19 sa bayan, nagsagawa ng RT-PCR testing ang Rural Health Unit noong December 2 sa San Gabriel 1st Isolation Facility kung saan kinuhanan ng sample ang mga naging close contact ng isang COVID-19 patient at isang person deprived of liberty. Kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine ang Bayambang kaya’t pinapaalalahanan ang lahat na sumunod sa public health protocols at mag-iingat sa lahat ng oras.

[smartslider3 slider=1304]