Nagniningning ang isang higanteng parol sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park bilang pag-alala sa panahon ng kapaskuhan sa bayan ng Bayambang. Ito ay sinindihan noong kinagabihan ng November 27 sa pagtutulungan ng Municipal Engineering Office, Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, at SVFPP administration. Ang higanteng parol na ito, na galing pa sa Pampanga, at ang 40 feet na Christmas tree sa Municipal Plaza ay pawang donasyon ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc.
[smartslider3 slider=1300]