May labingwalong negosyante na naging benepisyaryo ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises o CARES Program ng Department of Trade and Industry ang dumalo sa turnover ceremony sa Niña’s Cafe noong November 28. Dahil sa tulong ni MTRCB Chairperson Rachel Arenas, at sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Cezar T. Quiambao at ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, ang mga negosyanteng ito na nakapag-pasa ng requirements sa DTI ay makakautang ng walang interes sa DTI bilang muling panimula matapos silang maapektuhan ng COVID-19.
[smartslider3 slider=1298]