Libreng Face Masks at Face Shields

As of September 2020, sa tulong ng Team Quiambao-Sabangan, libu-libong face mask at face shield na ang naipamahagi ng MDRRMO.

Nauna nilang binigyan — kasama ng alcohol at disinfectant solution — ang lahat ng frontliners: LGU employees, pati na rin ang mga kawani ng PNP, BFP, DILG at iba pang national offices. Binigyan din ang lahat ng barangay officials, kabilang na ang mga tanod, BHWs, day care workers, at nutrition scholars ng 77 barangays.

Binigyan din ng MDRRMO ang lahat ng market vendors, mga taga-ANCOP Ville at mahigit 6,000 na kasapi sa 4Ps, at pati na rin ang lahat ng nahuli na walang face shield at face mask.

Bukod pa rito ay namigay din ang MDRRMO ng kumpletong standard PPE para sa lahat ng frontliners na naka-assign sa mga COVID-19-positive na pasyente.

[smartslider3 slider=1202]