Aprubado na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang special permit para sa 19 na pampasaherong jeep na may byaheng San Carlos-Bayambang, matapos silang tulungan ng Municipal Planning and Development Office sa pagproseso ng mga required na papeles. Simula September 19 ay nag-umpisa nang bumyahe ang mga naturang dyipni matapos inspeksyunin ng LGU ang kanilang pagsunod sa miminum public health standards.
[smartslider3 slider=1188]