Agno River Rehabilitation Project, Nagpatuloy

Noong August 5, nagsimulang ipagpatuloy ng MDRRMO ang Agno River Rehabilitation Project nito. Ang grupo ay naunang magtanim ng mga kawayan sa Brgy. Amancosiling Norte at Amancosiling Sur kasama ang mga barangay officials. May 188 bamboo seedlings ang kanilang naitanim sa gilid ng Agno River, at ito ay inaasahang makatulong balang araw na mapigilan ang soil erosion sa lugar.

Nakatakdang magtanim ng marami pang puno ng kawayan ang MDRRMO sa iba pang barangay sa gilid ng ilog, katulong ang Tourism Office at BPRAT.

[smartslider3 slider=1133]