Project Monitoring Committee, Lumahok sa Webinar

Noong Agosto 5-6 ay lumahok ang Municipal Project Monitoring Committee (PMC) sa isang webinar sa Events Center na inorganisa ng DILG. Layunin ng online seminar na pag-ibayuhin ang kapasidad ng mga myembro ng komite sa implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng Assistance to Municipalities program ng DILG at pagmomonitor ng mga naturang programa lalo na sa gitna ng pandemya. Base sa “new normal,” may mga health and safety standards na kailangang sundin upang masiguro ang ‘di pagkakahawahan ng mga construction workers sa isang construction project.

[smartslider3 slider=1131]