Noong July 29-30, ginanap ang Squash Processing Training-Workshop sa PSU-Food Innovation Center. Ito ay dinaluhan ng mga asawa ng mga magsasaka mula Paragos, Manambong Sur, at Manambong Norte kung saan may mass production ng kalabasa. Dito ay itinuro sa kanila ang paggawa ng kalabasa pan de sal, kalabasa ketchup, at kalabasa miki noodles. Ang workshop ay inorganisa ng PSU-FIC, PSU TLE Department, LGU-Bayambang at DOST-PSTC Lingayen.
[smartslider3 slider=1127]