STAC Kids, Muling Tumanggap ng Tulong mula sa Victory Church
Noong June 27, muling nag-abot ng tulong ang Victory Christian Fellowship of Bayambang Inc. sa mga batang myembro ng Stimulation Therapeutic Activity Center (STAC) ng Bayambang.
Kaagapay ang STAC staff, namahagi ang Victory Church ng food packs, prutas, at vitamins (sa tulong ng Nutrition Office) sa 46 na naka-enrol na ‘children with disability’ (CWD) sa STAC-Bayambang.
Kabilang sa mga namahagi ay si Victory Church Senior Pastor Anthony Minguez at mga myembrong sina Emily Valdez at Lady Philina Duque.
[smartslider3 slider=1082]